Wednesday, September 10, 2008

Nakapag-iimpok ba kayo? (Got Savings?)

As spouses of OFWs, you endure the difficulties of being separated from your wives or husbands with the hope of improving your lives and securing your families’ futures. You hope that your families will be able to afford the basic needs, and that, for the children, “makatapos sila ng pag-aaral”. And finally you dream of building a house, a family home you can call your own.

Maganda at mabuti ang mga pangarap na ito, nguni’t—kagaya ng mga mahahalagang bagay sa buhay--mahirap na makamtan. Unang una, maraming pamilya ang nagkakautang parang makapunta ang inyong OFW sa ibang bansa. Ang responsibilidad ninyo naman habang asawa na naiiwan sa Pilipinas ay mabigat din sapagka’t kayo ang nagaalaga sa buong pamilya na parang isang “single parent” at, sa loob ng mga padala ng inyong OFW at ang inyong sariling sahod, kailangang kayong maghanap ng paraan upang bayaran ang mga utang, ang tuition ng mga bata, ang mga kailangan sa bahay at buhay, maghanda ng pagkain, magbayad ng renta, at iba pa. At kung hindi pa ito sapat, kailangan din ninyong isipin ang pag-iimpok parang matupad ang mga mithiin ng inyong pamilya.

Budgeting may help you and your OFW family to meet your financial obligations, and help you achieve the dreams that spurred you to take on this experience. Before mag-abroad ang inyong OFW, it may be a good idea to sit together as a family and talk about how you will use the monthly remittances and other family income.

As the asawa, it will be your responsibility to make the money s t r e t c h to meet all your family needs and obligations. Therefore:
1. Set priorities: Ano ang mga tunay na kailangan? Ano naman ang mga pwedeng pahintayin?
2. Make a monthly budget and stick to it.
3. Save something every month, no matter how small the amount.

Dahil sa tiyaga at sa pag-iimpok, maraming pamilyang OFW ay nakatutupad ng kanilang mga pangarap. Nguni’t marami rin na hindi makararating sa kanilang mga hantungan, at maraming walang maiimpok maski anong pera. Huwag sana ninyong sayangin ang inyong paghihirap at ang pagkakataon na nakatrabaho ang isa sa inyo sa ibang bansa.
__________
Listen to the advice of OFW Eddie Evangelista:
Ang maipapayo ko lang sa mga katulad kong nagtratrabaho sa ibang bansa ay sinupin nila ang kanilang kinikita dahil ang magandang pagkakataon na ito ay dapat pag samantalahan dahil sa may katapusan din ito. At kung minsan, may dumarating na hindi nating inaasahan, maaaring maaksidente o magkasakit. Marami pang bagay na darating sa ating buhay pagkatapos ng pagtrabaho sa ibang bansa at yan ay dapat nasa isip ng bawat isa.

Read Eddie's entire story by clicking here.
__________

Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______

5 comments:

a dependent spouse said...

Mahirap ang mag save, sapagka't hindi lang maraming kailangan bilhin at bayaran kundi marami ring umuutang na kamag-anak at pati na kaibigan. Kung minsan nagagalit pa kung hindi bigyan. Marami rin ang hindi naniniwala na wala nang pera

Unknown said...

Ang ginagawa ko sa anak ko pinadadalhan ko lang siya ng tamang panggastos nya sa pagaaral,at allowance sa lahat ng pangangailangan nya sa loob ng isang buwan. Binibigyan ko rin ng perang dapat ipasok sa savings acct. nya, paraang balang araw may roon siyang savings. Sa ganoong paraan wala na siyang extrang perang mapapahiram.

ofwparasapamilya said...

Isang asawa,

Mahirap talaga kapag maraming umuutang mas lalo na kung kamag-anak. Nangyayari ito sapagka't akala nila ay maraming kang perang natatangap buwan buwan. Ang sabi ni Yola na ilagay na ang ibang pera sa savings account at iuwi lang ang sapat sa sarili ninyong kinakailangan ay isang mabuting payo. Sa ganitong paraan masasabi mo na wala ka nang perang mapapautang.

a dependent spouse said...

Nagbukas kami ng savings account bago umalis and aking asawa. Mayroon rin kaming binabayaran na "educationl plan" para sa dalawa naming anak. Ok ba itong mga ginawa namin? Mayroon pa bang ibang mga paraang mag-impok na pwede naming pasukan. Ang aming savings ay dollars.

ofwparasapamilya said...

Amor,

Napaka-OK ang inyong ginawang mag-asawa na magbukas ng savings account bago siya umalis, at siguro naman pinagusapan ninyo kung ano ang budget ng inyong pamilya. Ito ay ang pinag-payo ng Agap Kamay article (click to read Nakapag-iimpok Ba Kayo?). Maganda rin na kumuha kayo ng educational plan para sa inyong dalawang anak.

Sa inyong tanong kung ano pang ibang paraang mag-impok na pwedeng pasukan, as a policy, our website does not endorse any specific product or investment instrument. Gayunman, ang pinaka-importanteng maipayo ay huwag dapat mawala ang perang pinaghirapan ninyong mag-asawa. Siguro nababasa ninyo ang kaguluhan na nangyayari ngayon sa mga bangko at economiya ng kasi buong mundo. Dahil dito, in your savings and investments, you may wish to:
1. Make sure your savings and educational plans are with strong and reputable banks and companies, who will honor their obligations and which have the resources and management to survive a bad world economy.

2. Do NOT invest in anything that you do not understand. Kung dumadami na ang pera, malaki ang temptation na gamitin ito. Huwag mahulog!...lalo na kung hindi ninyo naiintindihan, o may umaalok na sila ang humawak ng pera ninyo.

3. If you are renting and now have enough savings to afford a loan, or to buy, your own house, then this would be good since a house is not just an investment but also a base, a center for your family. But make this a joint decision with your spouse, at siguraduhin na kaya ninyo ang pag-bayad sa bahay. Of course, also choose a reliable developer to buy from. Fortunately, there are several good property developers now in the Philippines.

4. Continue to save a percentage of monthly income that you and your spouse have discussed and agreed to. Make sure you have funds available in case of family emergencies or sickness, or God forbid, na mawalaan trabaho kayong mag-asawa.

5. Keep these savings in US dollars, as you have done. It appears that the US dollar continues to strengthen against other currencies during this time, even if the problems began in the USA. Then, convert to pesos or other currencies what you, your spouse and family need to live on.

We have invited bankers to comment on your question, and will post their reply once we receive them. Congratulations on your good start at savings, first to ensure your children's education, and eventually your family's future.

 
Web Design by WebToGo Philippines