---------------------------------------------------------------------------------------------
“Paalis na ang asawa ko upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito na ang pinakahihintay naming mangyari. Narito na rin yung pagkakataon ng aking pamilya. Bubuti na rin ang buhay namin. Makakaraos na rin kami sa paghihirap. Masayang masaya ako!
“Pero sandali lang….bakit ba ako nalulungkot? Natatakot? Nangangamba?
Kung ito ang naiisip ninyong mga asawa habang naghahantay kayong umalis ang inyong OFW, hindi kayo nag-iisa. Maraming mga asawang OFW na nakakaranas ng ganitong halo-halong ‘emotion’. Nguni’t marami sa kanila ay naglilihim o hindi pinapatulan ang mga damdamin na ito. Tinitiis o tinatago na lang ang mga pangangambang ito sapagka’t ayaw nilang magalaala ang kanilang minamahal.
Anong Say Mo?
- Ganito rin ba ang nararamdaman mo?
- Sa palagay mo, mayroon bang mabuting paraan (“a good way”) upang mapagusapan ninyong mag-asawa ang mga pangangamba mong ito?
- Kayo ba ay katulad ng maraming asawa na tinitiis o tinatago ang kanilang pangngangamba at problema? Paano ninyo kinakaya ang mga problemang dumarating habang wala siya? Mayroon bang nakakatulong sa inyo? Sino o ano ito?
- Kayo naman na mga nagpapa-alam (share) sa sainyong mga asawa tungkol sainyong pangangamba o problema, paano ninyo ito ginagawa?
- In your opinion, what is better, sharing what you feel and fear, or keeping it to yourself?
---------------------------------------------------------------------------------------------
7 comments:
Para sa akin, dapat ipaalam ang nararamdaman parang mapagusapan at sa ganitong paraan makapagprepare nang maayos. Halimbawa, mapapagusapan ang mga pwedeng gawin pagka magkaroon ng problema o emergencies.
pinaytraveller,
Ok and sinasabi mo na ang pagpapaalam ng tunay na nararamdaman ay pwedeng magresulta sa pag preprepare ng maayos. At pag pinagusapan ang mga paraang pagharap ng mga problema o emergencies, nakakalutas ito sa nararandamang pagkabalisa.
Mahirap ang pag-alis. Nang umalis ako iyak kaming lahat.
Mahirap para sa akin yung pag-alis ng aking asawa. May takot ako na hindi ko makakaya na wala siya sa piling naming mag-anak. Sumama ako sa kanya sa “pre-departure orientation” ng OWWA. Pinag-usapan doon yung tungkol sa kanyang kontrata, yung sweldo, mga benefits atbp. Napag-usapan din ang bansang Saudi na pupuntahan niya. Ok itong orientation na ito.
Napunta rin ako sa seminar sa OWWA. Okay naman pero sana bigyan rin ng pansin and mga haharaping pagsubok ng pamilyang naiwan.
(Naga City, Camarines Sur)
Manuela,
Mukhang nakatulong sa iyo ang pre-departure seminar ng OWWA. Mabuti naman na invited rin ang mga asawa.
Cora,
Para sa iyo, may kulang yung orientation? Ayon kay Manuela maraming pinag-usapan na nakatulong sa kanya. Para sa iyo, kailangan pag-usapan and mga haharapin ng pamilya. What you say is true, because in this way you can prepare yourself to meet some of the challenges that are in store for you.
Post a Comment