Friday, December 11, 2009

Ang Kahalagahan ng mga Tradisyon ngayong Pasko

-----------------------------------------------------------------------------------------------
(The Meaning and Value of Christmas Traditions)
By Ma. Araceli Balajadia-Alcala, M.A.
PsychConsult, Inc.

Naikwento ng isang kaibigan kamakailan, ang makapigil-hininga niyang karanasan sa pag-bili ng espesyal na hamong (Ham) hinahain ng pamilya nila tuwing Noche Buena. Pagkatapos ng kilo-kilometrong biyahe paroo’t parito sa ma-traffic na kalsada, gastos ng libo at ilang daang piso, at hitik sa dramang mga tawag at text sa telepono, nakamtan rin ang pinakamimithing hamon na hinihiling ng ama niya. Naitanong ko, ano ba naman ang pagkakaiba ng hamon na ito sa iba pang klase upang paggugulan ng ganitong panahon, pawis, at pagod? Iyon pala’y ito ang nakagawiang tatak/brand ng hamon na pinagsasaluhan ng pamilya, nung silang mga anak ay maliliit pa, at ang pamilya nila ay kumpleto pa. Kaya naman ang aking kaibigan, sa kabila ng hirap, ay buong pusong lumahok sa gawain ng pagbili nito, mapanatili lamang ang tradisyon.

Lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan, sigurado akong lahat tayo ay may kaniya kaniyang kwento na katulad nito – hahamakin ang lahat ng bagay, maipagpagtuloy lamang ang mga nakagawian, nakasanayan, o naka-ugalian na sa ating mga sariling tahanan. Bakit nga ba napakahalaga para sa atin na mapanatili ang mga tradisyon, maliit man o malaki lalo na ngayong kapaskuhan?

Una, sa panahon ng mabilis na pagbabago, sa pamamagitan ng tradisyon, panatag pa rin ang loob natin na may mga bagay na nananatiling pareho at predictable. Maaaring para sa tatay ng kaibigan ko, lalo na ngayong espesyal na okasyon, ang paggigiit sa partikular na brand ay nagsisilbing isang constant. Sa kabila ng nakabubulabog na mga pagbabagong kasabay sa pag-agos ng buhay - maaaring tumanda at nagka-puting buhok na siya, at lumaki’t nagsipag-lipatan na ang mga anak sa iba’t ibang panig ng bansa o mundo--kahit papaano’y may mga bagay, gaano man kaliit, na hindi pa rin magbabago para sa kanya.

Pangalawa, ang mga tradisyon ang nagpapatibay ng relasyon at nagbubuklod sa bawat miyembro ng pamilya. Ang karaniwang tradisyon ng pagbisita sa mga kaanak o kaya’y pagsisimba ng sabay-sabay, simple man, ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawa’t miyembro na magkasama-sama; mga ritwal na mahalagang pag-papaalala lalo na’t maaaring hindi ganoon kadalas nagagawa sa buong taon, dahil busy ang mga miyembro sa kani-kaniyang buhay.

Kadalasan pa nga’y ang mga tradisyon na ito ay nagpasalin-salin mula sa isang henerasyon pababa sa susunod na henerasyon, at nagpapalawig ng mga values na mahalaga sa pamilya.
Pangatlo, at kaugnay ng huli, ang mga tradisyon rin ang nagpapatibay ng pagkakakilanlan (identity) ng bawat pamilya at nagpapakita ng pagkakaiba nila sa ibang pamilya. Maaaring sa Pamilya “X”, ang pagkakaroon ng Christmas show na pinagbibidahan ng mga bibong apo at pamangkin ay nagpapakita ng kayamanan ng talento sa pamilyang ito. O dila kaya’y sa Pamilya “Y”, ang pagbisita sa mga bahay ampunan or home for the aged ang tatak ng pagka-mapagkawanggawa ng pamilyang ito.

Pang-apat, tuwing naisasakatuparan natin ang mga nakagawiang tradisyon, maraming mga alaala at damdaming sumasagi, na nagpapa-alala sa atin kung sino tayo. Kapag nakakalanghap ako ng bango ng incenso tuwing simbang gabi naaalala ko ang mga nakalipas na simbang gabing dinadaluhan ng pamilya namin, at pumapanatag ang kalooban ko.

Sa mga pamilyang nagkaka-hiwahiwalay bunga ng pagtatrabaho o paglipat sa ibang bansa, mas umiigting ang pagnanasang panatilihin ang mga tradisyon, lalo na dahil sa mga nabanggit. May mga maaaring gawin upang mangyari pa rin ito:

1) Siguraduhing ang lahat ay maaari pa ring makilahok sa mga nakasanayang nang tradisyon. Sa mga nasa malayong lugar, napakahalaga talaga ng pag-uugnayan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya (at madalas na itong nababanggit sa mga nahuling artikulo). Kung sa pamilya, nakasanayan nang nagkukuwento si lolo o lola tuwing pasko, kahit na nasa kabilang panig pa sila ng mundo maaari pa ring gumamit ng webcam upang ipagpatuloy ang tradisyon na ito.

2) Hanapin pa rin ang mga elemento ng mga nakagawiang tradisyon na masaya at nakakapag-papagaan ng damdamin ng mga miyembro ng pamilya. Minsan ay nagiging stressful ang pagpapatupad sa tradisyon dahil sa kagustuhang panatiliin ang nakaraan o kaya’s magbigay ng perfect na selebrasyon para sa mga naiwang miyembro. Kailangang tandaan natin ang mga layunin kung bakit ba natin ipinagpapatuloy ang mga napiling tradisyon, at huwag kalimutang pairalin ang sense of humor sa mga ganitong panahon.

3) Sa inyong lugar ngayon, mag-network sa mga ibang Pilipino na maaaring may katulad na tradisyong isinasakatuparan sa nakagawian na. Sa maraming bahagi ng mundo, basta may Pilipino, mataas ang posibilidad na ang tradisyon ng Simbang Gabi at puto bumbong ay patuloy na inoobserbahan. Makipag-ugnayan sa mga pamilyang sumasalamin ng inyong mga nakagawiang tradisyon.

Paminsa’y matindi ang hamong kinakaharap ng pamilya sa pagpapatuloy ng mga tradisyon. Sa kabila nito, marami pa rin tayong maaaring gawin upang ang mga matatayog na layuning bumabalot sa pagkakaroon ng tradisyon ay maipagpatuloy:

1) Gumawa ng bagong tradisyon. Maaaring minsan, kahit gusto man natin ipilit ang pagpapanatili ng ilang mga nakagawian, at despite our best efforts, hindi na talaga ito mangyayari. Huwag mabahala. Isiping, bagama’t pini-preserve ng tradisyon ang nakaraan, maaari pa ring bumuo ng mga bagong ala-ala na magiging makahulugan pa rin sa pamilya. Ang mga bagong tradisyon ay maaari pa ring mag-buklod sa pamilya, maglarawan ng pagkakakilanlan nito, at magpalawig ng mga bagong damdaming makapagpapasaya sa lahat. Nang mawalan ng Christmas tree ang isang pamilyang Pilipinong kilala ko, nagdesisyon sila bilang isang grupo, isang pasko na magtayo ng ibang uri ng Christmas tree; isang bagay na mas sumasalamin sa kung sino sila. Gumamit sila ng puno ng saging! Sa gitna ng kanilang sala! Sinabitan ng maliliit na parol at kumukutitap na mga ilaw. Ngayo’y usap-usapan ito, at mukhang magsisimula ng bagong tradisyon para sa kanila.

2) Maging bukas sa mga pagkakataong bumuo ng bagong tradisyon. Kaugnay ng huli, kilalaning may mga tradisyon na nabubuo lamang, habang tayo’y sumasabay sa agos ng panahon. Sa aming pamilya, nagkaroon na lang kami ng bagong tradisyon ng pamimigay sa mga kaibigan ng mga regalong gawa ng aming mga kamay – hindi naman ito sinasadya, ngunit isang pasko, bunsod ng kagustuhang makatipid, ganito ang naging solusyon. Ngayo’y halos inaasahan na ito ng mga malalapit na kaibigan.

3) Magpalawig ng mga tradisyong may layuning tumulong sa kapwa. Magandang pangontra sa kalungkutan at paminsang masyadong focus sa material na bagay, ang pag-bahagi ng mga biyaya sa ibang kapwa. Halimbawa, maaaring mag-contribute ang mga miyembrong nasa malayong lugar at magbuklod ang mga naiwang pamilya sa pag-luto ng isang meal para sa mga bata sa isang institution o kaya’y pag-ipon ng mga gamit na handang ipamigay na.

Ngayong kapaskuhan, nasaang panig man kayo ng mundo, tandaang ang pagkakalayu-layo, pag-iisa, at pagbabago ng panahon ay hindi balakid sa pagpapatuloy ng mga nakagawiang tradisyon o pagbuo ng mga bago nito. Hindi mababakli o maiwawaksi kailanman ang mga layuning bumabalot sa pagkakaroon ng tradisyon. Hayaang patabain nito ang mga puso natin ng mga masasayang alaala, at panatiliin nito ang ating koneksyon sa mga mahal natin sa buhay sa kasalukuyan.
-----------------

Submit your thoughts and questions on Christmas traditions by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your own Christmas traditions, thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
------------------

Thursday, October 29, 2009

Long Distance Relationship

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Kahalagaan ng Pagkakalagayang Loob Kahit na Malayo
By Regina Diaz Goon
Psychologist
OFW ParaSaPamilya, PsychConsult Inc.


Ang pagkawalay sa asawa ay isa sa pinakamalaking problema na hinaharap ng isang OFW.
May mga mag-asawang OFW na masasabi nating mapalad, sapagka’t nagkakasama sila at least once a year, nguni’t mas maraming mag-asawang OFW na hindi kasing mapalad. Katulad kay Essa, isa sa mga nagpadala ng tanong dito sa ating website, na nagbigay ng example ng isang OFW na anim na taon nang hindi nakakauwi. Sa mga nawawalay na mag-asawa ang pinakamahirap na ipagpatuloy ay ang karamdaman na bahagi pa rin sila ng buhay ng isa’t isa.

Intimacy ang tawag dito. May dalawang aspeto na nagbubuo ng intimacy. Ang una ay ang pakikibahagi ng damdamin sa isa’t isa, at ang ikalawa ay ang pagkakawing ng mga pangyayari sa araw araw, kasama rito ang mga actibidad, karanasan, pagpupunyagi, ang mga kagalingan atbp. Madalang na marami sa mga mag-asawang OFW ay nakakapag bukas ng kanilang damdamin sa kanilang kabiyak kapag nag-uusap sa telefono, sa internet, sa sulat, sa email at sa ano pa mang paraan. Nguni’t ang pagkawing ng mga pangyayari sa araw araw ay mas mahirap gawin, sapagka’t paano naman maaring makibahagi sa mga karaniwang gawaing araw araw habang malayo? Pagmagkasama, itong “maliliit” na pangyarari sa araw araw ay pinaguusapan na hindi na kailangang isipin pa, nguni’t kung malayo sa isa’t isa ito ay hindi inintindi at malimit pag-usapan sapagka’t nakalipas na ang sandali, hindi nadanas naman ng asawang malayo, at parang wala nang halaga o hindi na importante.

Maraming magagawa ang mag-asawang OFW upang manatiling parte ng araw-araw na pagkabuhay ng kanilang minamahal. Kasama rito ang pag-gamit sa teknolohiya katulad ng telefono, internet atbp. Mag Skype, sapagka’t dito, maaring magkuwentuhan, magkantahan, maglokohan, manlimbang atbp. na kahit ilang horas sapagka’t libre ito. At kung may videocam, lalong masmabuti kasi nakikita ng mag-asawa ang mukha at reaction ng kanyang asawa, na parang nandiyan na rin siya. Kasama din dito ang pag-lambingan via webcam. Gamitin ang imahinasyon at maging malikhain (creative)!

Isa pa ring pwedeng gawin ng mag-asawa ay gumawa ng weekly video/audio diary na maaring i-upload sa internet upang makita ng asawa. Sa ganitong paraan maaring makibahagi ang mag-asawa sa mga ginawa ng isa’t isa, sa araw-araw o linggo-linggo. Para sa ibang walang computer o internet access, maari ring magpadala ng mga pictures and tape recording na nag babahagi ng mga gawain at happening.

Monday, March 2, 2009

Resilience in the Face of the Global Crisis

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Tulungan ang Pamilyang Maka-ahon sa Krisis Pinansyal ng Mundo

By: Ma. Cristina H. Enriquez, M.A.
Psychologist
PsychConsult, Inc.


Madalas nating marinig na ang mga Pilipino ay isa sa mga pinakamasayang tao sa mundo. Sa kabila ng kahirapang ating nararanasan, napapanatili natin ang abilidad na maging masaya. Ang global recession na kasalukuyang nagaganap ay isa sa maaring sumubok sa ating abilidad na ito.

Sa isang pananaliksik na ginawa ng National Statistical Coordination Board (NSCB) tungkol sa “Philippine Happiness Index” noong 2007, lumabas na ang Top 5 na pinagmumulan ng happiness ng mga Pilipino ay ang pamilya, kalusugan, relihiyon at/o spiritwal na gawain, kaibigan, at ang financial stability.

Ang kakayahan lang ba natin na manatiling masaya ang maaring makatulong sa atin sa panahon ng krisis? Sa sikolohiya, may isang konsepto na tinatawag na resilience. Ayon sa American Psychological Association, ang resilience ay ang abilidad na maka-adapt ng maayos sa pagsubok, trauma, tragedy, threats, at sa mga pinagmumulan ng stress tulad ng trabaho, kalusugan, o problema sa mga relasyon. Samakatuwid, hindi lamang ang abilidad na manatiling masaya kundi pati ang resilience ang ilang mga katangiang makakatulong sa mga tao sa pagharap at pag-ahon sa krisis.

Bilang asawa at magulang, hindi lamang sarili mong kapakanan ang iyong kailangang intindihin kundi ang kalagayan din ng iyong asawa at mga anak. Marahil ay napapaisip ka ngayon kung anu-ano ang maari mong gawin upang matulungan ang iyong pamilya na harapin ang mga kaakibat na problema na dulot ng recession. Sumusunod ang ilang mga rekomendasyon ukol dito.

1. ALAGAAN ANG SARILI

Sinasabing hindi mo maaaring ibigay ang isang bagay na mismong ikaw ay nagkukulang. Upang maimpluwensiyahan at matulungan ang iyong pamilya, kailangan ikaw mismo ay malusog at matatag. Ibig sabihin, kailangan mong alagaan ang iyong sarili, hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi ang kabuuan ng iyong pagkatao. Sumusunod ang ilang halimbawa kung paano maalagaan ang sarili:

- Pisikal: Kumain ng tama, matulog ng sapat, mag-ehersisyo at umiwas sa bisyo tulad ng sobrang pag-inom at paninigarilyo. Magpatingin kung sakaling may karamdaman. Huwag ipagpaliban ang pagpapatingin lalo na’t kapag tumagal o lumala ang karamdaman.
- Sikolohikal:
o Kung maaari, maglaan ng isang araw isang buwan kung saan kayo ay may “day off” bilang isang asawa at magulang upang tutukan ang ibang aspeto ng iyong pagkatao. Ang araw na ito ay pwedeng ilaan sa mga gawaing hindi mo nagagawa kapag kasama mo ang iyong pamilya. Para sa mga kababaihan, pwedeng ilaan ang araw na ito upang makipagkita sa mga kaibigan, o i-pamper ang sarili sa parlor o spa. Para sa mga kalalakihan, maaaring maglaro ng sports kasama ang mga kabarkada, o magpunta sa bookstore.

o Kasama na rin sa pag-alaga ng kalagayang sikolohikal ang paglaan ng oras sa mga gawaing nakakapag-relax o nakaka-stimulate ng pag-iisip. Ilang halimbawa ay ang paglaan ng oras sa mga hobby tulad ng gardening, pananahi o pagkukumpuni, pag-exercise, pagbabasa ng libro, o pag-aaral ng isang bagong skill.

o Ang tamang pag-handle sa mga damdamin o emosyon ay makakatulong din sa sikolohikal na pangkalusugan. Ayon kay Prof. Michael Tan, isang anthropologist, ang mga Pilipina ay mas malamang na magtiis o magkimkim ng kanilang mga damdamin laban sa iniisip ng nakararami na mas expressive ang mga babae ng kanilang feelings. Kailangang alalahanin ng mga babae na ang sobrang pagkimkim o pag-aalala ay maaaring magdulot ng mga sakit. Siguraduhing lumapit sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak, pari, o propesyonal kapag ikaw ay nakaramdam ng sobrang pagkabahala ukol sa mga pangyayari sa iyong buhay. Ang pag-maintain ng isang journal o diary ay isa pang paraan kung saan mailalabas ang mga iniisip at nararamdaman.

o Ayon din kay Prof. Tan, karaniwan namang inilalabas ng mga lalaking Pilipino ang kanilang stress sa pamamagitan ng paglibang sa pag-inom at iba pang pang-aliw. Para sa maraming lalaking Pilipino, hindi rin nila nakaugaliang ipakita at pag-usapan ang kanilang damdamin dahil sa expectation na dapat malakas at di nagpapakita ng emosyon ang isang tunay na lalaki. Para maiwasan ang pisikal na sakit na maidudulot ng pagkalulong sa bisyo at di pagpapakita ng damdamin, maaaring maghanap ang mga lalaki ng ibang outlet para mailabas ang stress. Ang pag-engage sa sports tulad ng basketball o jogging ay ilang halimbawa ng mas mabuting paraan sa pag-release ng stress. Maaari ring lumapit sa mga propesyonal tulad ng mga psychologist, lalo na kung gustong pag-usapan ang mga problema sa isang confidential na paraan.

o Kaakibat ng sikolohikal na pangkalusugan ay ang pag-alaga sa inyong self-esteem. Kung ang pinansyal na krisis ay nakakapagdulot ng matinding pagkabahala sa inyo, magandang pag-isipan kung saan ito nanggagaling. Para sa ilan, maaaring natatakot sila na bumaba ang tingin ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan o kapitbahay kung hindi na sila nakakabili ng mga magagarang gamit. Magandang tandaan na ang dapat na pag-basehan ng self-esteem ninyo ay ang inyong pagkatao at hindi sa kung ano ang pagtingin ng ibang tao sa inyo.

- Spiritwal: Gaya ng nasabi sa pananaliksik tungkol sa Philippine Happiness Index, para sa mga Pilipino, ang relihiyon at/o mga gawaing spiritwal ang isang pinagmumulan ng happiness.

o Bukod sa regular na pagdadasal at pagsisimba, maaari ring mag-attend ng mga recollection o retreat, katulad ng ino-offer ng simbahan sa panahon ng Kuwaresma. Maaari ring sumali sa mga religious na samahan tulad ng sa parish o mga charismatic group na may mga regular na activity kung saan mapapangalagaan ang iyong spiritual growth.

o Ang pagtulong sa ibang tao ay isang bagay na maaari ring makapag-uplift ng inyong spiritwal na kalagayan. Maraming mga samahan ang iyong pwedeng salihan, depende na rin sa iyong interes. Ang ilang halimbawa ay ang Gawad Kalinga, Philippine Red Cross, Missionaries of Charity, at iba pa. Kadalasan, hindi lamang pinansyal na tulong ang kailangan ng mga samahan na ito kundi tulong mismo sa paggawa ng kanilang trabaho para sa mga nangangailangan.

2. ALAGAAN ANG RELASYON SA ASAWA

Bilang isang asawa, kayo ng iyong mister o misis ay pinagbuklod – ang dating dalawa ay ngayon ay iisa na. Ibig sabihin ay kaakibat ka ng iyong kabiyak sa anumang problema o pagsubok na kanyang hinaharap. Paano niyo matutulungan ang iyong kabiyak na OFW sa panahon ng krisis?

- Magkaroon ng open communication sa asawa: Makakatulong sa inyong mag-asawa na maglaan ng regular na oras ng komunikasyon, halimbawa, tuwing Sunday ng 10 am. Ang pag-protekta sa oras na ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng predictable na panahon ng pag-uusap. Ang ganitong klaseng predictability ay isang bagay na makakatulong sa emotional well-being ninyong dalawa dahil makakatulong na mayroon kayong panahon na inaasahan kung saan makakausap ninyo ang isa’t isa kahit na ano pa man ang mangyari sa buong linggo.

- Bigyan ang asawa ng support at encouragement: Mahalaga na maramdaman ng iyong asawa ang iyong tiwala at suporta sa kanya sa panahon ng krisis. Pigilan ang pag-nag o ang pangungulit habang kausap ang asawa. Kundi, gamitin ang oras ng komunikasyon upang bigyan ng encouragement ang asawa lalo na kapag siya ay nagpahiwatig ng pagkahirap, pagkabahala, o pagkalungkot sa kanyang kalagayan sa ibang bansa. Gawing light ang mood ng pag-uusap sa pamamagitan ng kwentuhan di lamang tungkol sa mga problemang hinaharap kundi pati na mga maliliit na source ng pagkatuwa.

- Tulungan ang asawa sa pag-manage ng pera:

o I-budget ng maayos ang perang ipinapadala ng iyong asawa. Sa panahon ng recession, ugaliin pa ring mag-impok para may gamitin sa oras ng emergency. Isipin mo rin kung saang bagay kayo maaaring magtipid, tulad ng pagpunta sa mga mall, pagkain sa labas, at pagbili ng mga luho.

o Kung kinakailangang tulungan ang iyong asawa upang kumita ng pera, pag-isipan ang iyong mga skill at talent dahil maaaring ito na din ang maging additional source of income. Ilang halimbawa ay ang pagbenta ng ulam, pananahi, pagkakarpentero, pag-repair ng mga sirang gamit sa loob ng bahay, at iba pa. Hangga’t maaari, siguraduhing may sapat na kaalaman at pagkahilig sa iyong papasukang trabaho o business. Makakatulong ito hindi lamang sa pag-enjoy ng trabaho kundi rin sa paglaban sa mga pagsubok na maaring idulot nito.

o Maaari ring mag-isip ng mga proyekto kung saan maaaring pagkakitaan ang mga luma o di nagamit na bagay na nakatambak sa iyong bahay. Halimbawa, mag-organize ng isang “rummage sale” para maibenta ang mga bagay na hindi niyo na kailangan tulad ng mga lumang damit, bag, sapatos, laruan, libro, appliances, at iba pa. Isa pang alternatibo ay ang pagbenta ng mga ito sa mga recycling market, tulad ng ginagawa sa mga ibang mall.

Tulungan ang asawang nawalan ng trabaho dahil sa recession:
Hindi maipagkakaila na ang pag-lay off sa mga empleyado ay isang realidad sa panahon ng recession. Bukod sa mga nasabi na sa itaas, kung sakaling ang asawa ninyo ay isa sa mga natanggal sa trabaho, maaaring tulungan sya sa pamamagitan ng sumusunod:

o Tulungan ang asawa na mag-plano para sa hinaharap. Bagamat mahalagang balikan ang nakaraan upang makita kung may mga pagkakamaling dapat baguhin, mahalaga na hindi rin mag-dwell ng sobra-sobra dito. Sa halip, pag-aralan kung ano ang mga maaaring gawin mula sa punto na ito.

o I-boost ang self-esteem ng asawa. Ipakita sa kanya na bagamat nawalan sya ng trabaho, madami pa din syang magagandang katangian at kakayahan. Isa na dito ang pagiging isang mabuting asawa at magulang.

o Ihanda ang mga anak sa pag-uwi ng asawa. Magbigay ng tapat na paliwanag ukol sa nangyari at hikayatin ang kooperasyon ng bawat isa sa pag-suporta sa kanilang ina/ama pagbalik nito.

3. ALAGAAN ANG RELASYON SA MGA ANAK
Para sa mga asawa ng OFW, halos “solo parenting” na ang nangyayari habang ang iyong asawa ay nasa ibang bansa. Maaaring lalong masubukan ang inyong parenting skills sa panahon ng krisis. Ano ang mga pwedeng gawin upang mapangalagaan ang relasyon sa inyong mga anak?

- Magkaroon ng open communication sa mga anak: Kausapin nang tapat at maayos ang iyong mga anak, lalo na kung kinakailangan ninyong magtipid o magbago ng lifestyle dahil sa pinansyal na krisis. Halimbawa, kailangang ipaliwanag sa anak kung bakit hindi muna siya pwedeng bilhan ng bagong cell phone, bag, o sapatos. Maging klaro sa mga bagong limits na kailangang ipataw dala ng pagtitipid. Hayaan magpahiwatig ang mga anak ng kanilang mga damdamin ukol dito. Magbigay ng reassurance na naiintindihan niyo sila ngunit huwag magbigay ng pangakong hindi niyo naman kayang tuparin.

- Magtulong-tulong: Kahit na anong problema ay gagaan kung ito ay pagtutulung-tulungan. Kahit na bata pa ang inyong mga anak, hindi ibig sabihin na wala silang maitutulong sa inyo. Halimbawa, pagdating na lang sa gawaing bahay, ang pag-assign ng chores sa inyong mga anak ay makakatulong na maibsan ang inyong pagod bukod sa pag-train sa kanila sa pagiging independent. Bukod dito, ang oras na natipid ninyo sa paggawa ng household chores ay maaaring ilaan sa mga iba pang importanteng bagay tulad ng pagkakaroon ng “family time” matapos gawin ng bawat miyembro ang kanyang tungkulin.

- Gumawa ng mga ritwal o tradisyon: Maging creative sa pag-nurture ng relasyon sa mga anak sa mga paraang hindi kinakailangang pagkagastusan. Kung hindi ma-afford ng budget ang pagpunta sa mall tuwing weekend, mag-isip ng ibang bagay na pwedeng gawin ng buong pamilya. Ang paglaro ng boardgames o sports, pagluluto ng sama-sama, o paggawa ng proyekto (halimbawa, ang pag-organize ng rummage sale) ay ilang klase ng mga activities na pwedeng paglibangan o pagtulungan ng iba’t ibang miyembro ng pamilya.

- Maging isang role model: Bilang magulang, mataas ang tingin sa iyo ng iyong mga anak. Ibig sabihin, kung may gusto kang ituro na value o ugali sa iyong anak, mas matututunan nila ito kung makikita nila mismo sa iyo itong value o ugali na ito. Halimbawa, kung tinuturuan mo silang magtipid, kailangan nilang makita na ikaw rin ay nagtitipid. Kung tinuturuan mo silang maging mapagmalasakit sa kapwa, maari mo silang isama sa iyong mga volunteer o charity work.

Ang pagkakaroon ng mga pinansyal na problema dulot ng recession ay maaaring pagmulan ng mga iba pang problema, tulad ng pagkakaroon ng strain sa relasyon ng mga miyembro ng pamilya. Pero kung inaalagaan ang sarili at ang relasyon sa asawa at anak, ang syang makakatulong sa pagiging matatag ng pamilya at makakatulong dito sa pagharap sa kung ano mang problema ang dumating.
---------------

What do you think? How can Filipino expat families cope with this global financial crisis? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Sunday, January 25, 2009

Maintaining Intimacy in a Long Distance Relationship

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Kahalagaan ng Pagkakalagayang Loob Kahit na Malayo
By Regina Diaz Goon
Psychologist
OFW ParaSaPamilya, PsychConsult Inc.


Ang pagkawalay sa asawa ay isa sa pinakamalaking problema na hinaharap ng isang OFW.
May mga mag-asawang OFW na masasabi nating mapalad, sapagka’t nagkakasama sila at least once a year, nguni’t mas maraming mag-asawang OFW na hindi kasing mapalad. Katulad kay Essa, isa sa mga nagpadala ng tanong dito sa ating website, na nagbigay ng example ng isang OFW na anim na taon nang hindi nakakauwi. Sa mga nawawalay na mag-asawa ang pinakamahirap na ipagpatuloy ay ang karamdaman na bahagi pa rin sila ng buhay ng isa’t isa.

Intimacy

Intimacy ang tawag dito. May dalawang aspeto na nagbubuo ng intimacy. Ang una ay ang pakikibahagi ng damdamin sa isa’t isa, at ang ikalawa ay ang pagkakawing ng mga pangyayari sa araw araw, kasama rito ang mga actibidad, karanasan, pagpupunyagi, ang mga kagalingan atbp. Madalang na marami sa mga mag-asawang OFW ay nakakapag bukas ng kanilang damdamin sa kanilang kabiyak kapag nag-uusap sa telefono, sa internet, sa sulat, sa email at sa ano pa mang paraan. Nguni’t ang pagkawing ng mga pangyayari sa araw araw ay mas mahirap gawin, sapagka’t paano naman maaring makibahagi sa mga karaniwang gawaing araw araw habang malayo? Pagmagkasama, itong “maliliit” na pangyarari sa araw araw ay pinaguusapan na hindi na kailangang isipin pa, nguni’t kung malayo sa isa’t isa ito ay hindi inintindi at malimit pag-usapan sapagka’t nakalipas na ang sandali, hindi nadanas naman ng asawang malayo, at parang wala nang halaga o hindi na importante.

Maraming magagawa ang mag-asawang OFW upang manatiling parte ng araw-araw na pagkabuhay ng kanilang minamahal. Kasama rito ang pag-gamit sa teknolohiya katulad ng telefono, internet atbp. Mag Skype, sapagka’t dito, maaring magkuwentuhan, magkantahan, maglokohan, manlimbang atbp. na kahit ilang horas sapagka’t libre ito. At kung may videocam, lalong masmabuti kasi nakikita ng mag-asawa ang mukha at reaction ng kanyang asawa, na parang nandiyan na rin siya. Kasama din dito ang pag-lambingan via webcam. Gamitin ang imahinasyon at maging malikhain (creative)! Para sa mga mapagsapalaran (adventurous), siguraduhin lang na nakasarado at nakakandado ang pintuan parang huwag madistorbo o' magulat habang naglalambingan!

Isa pa ring pwedeng gawin ng mag-asawa ay gumawa ng weekly video/audio diary na maaring i-upload sa internet upang makita ng asawa. Sa ganitong paraan maaring makibahagi ang mag-asawa sa mga ginawa ng isa’t isa, sa araw-araw o linggo-linggo. Para sa ibang walang computer o internet access, maari ring magpadala ng mga pictures and tape recording na nag babahagi ng mga gawain at happening.

Necessary Detachment

An important challenge to maintaining intimacy, is the need for OFW couples, who live apart for long periods of time, to go through a Detachment Phase. This is where “psychological compartmentalization” takes place. Here, there is a conscious effort on the part of the couple to divide their lives into 2 compartments. The first is for their life when they’re together and the other for their individual lives when they’re apart. Bakit kailangang gawin ito? Kailangan ito upang malutas ang pagkalungkot at mapatuloy ang mga gawain at ang pamumuhay sa araw araw, habang hiwalay sila.


Reconnecting for OFW Couples who have “Home Leave” or Visiting Privileges

Para sa mag-asawang nagkikita taon taon, o may probisyong “Home Leave” sa contrata, itong dalawang kompartimentong ito ay binabalik-balikan ng mag-asawa kapag nararapat. Pag-uwi ng OFW, kailangan ng mag-asawang bumalik sa kompartimento ng buhay nila na magkasama sila. Nguni’t, mayroon ring mga kailangan gawin ang mag-asawa.

Isa dito ay ang pagbigay muli ng katayuan sa OFW sa nakasanayan nang pagtakbo ng buhay sa araw araw. Habang wala ang OFW, ang asawa ang naging haligi ng pamilya at may mga oraryo, mga gawain, mga paraang pang disiplina na kinasanayan na. Mayroon ring mga gawing napagbihasnan, na maaring hindi makikilala ng OFW. Isang halimbawa dito ay ang pagpunta ng mga anak sa asawa para sa lahat ng kanilang kailangan. Pag may mga teen-ager, maaring matutuklasan ng OFW na ang asawa na lang ang pinapakingan, at ang nakakadisiplina. Sa sitausyon na ito, kinakailangan ng OFW na matutong makibahagi muli sa kanyang asawa at pamilya. At kailangan rin ng asawa at mga anak na bigyan uli ng lugar at ibalik ang dating papel ng OFW sa kanilang buhay, maski na alam nila na ito ay pansamantala lamang.

Sa relasyon ng mag-asawa, bagama’t emotional o pisikal, mayroon ring maaring madaramang pagkakaiba. Kailangan ng kaunting pagkakama. If intimacy was maintained while the OFW was away, it will be easier for the couple to reconnect in all aspects of their relationship. Although there will be some “strangeness” in the beginning, this will soon give way to the familiar, and also to something new. Both partners can and should approach this period with the same excitement and anticipation as in courtship, knowing that, in their most private moments together, they will find again what made their asawa so special in their eyes, and this time with the added maturity, confidence and grace that only life experiences can bestow. It is also during this phase of reconnecting that the OFW couple can “build” on and add to both their physical and emotional memories. Experimenting, trying out new ways of being together, anything that will help them keep the relationship alive in their bodies and in their minds, even when they are not together. While doing this, they should not keep looking back to “the way we were” but building up and expanding the relationship to mirror the mutual experiences they are undergoing, i.e. to build and strengthen the relationship in the light of “the way we are now!” In this way, the separation becomes woven into the fabric of their relationship, and the building of new memories keeps on refreshing the relationship in order to help them weather whatever times are yet to come.

For Couples who are Separated for Very Long Periods

Para sa mga mag-asawang matagal nang nawalay, mas mahirap ipagpatuloy ang pagpapalagayang loob, maslalo na ang pagmamalay ng mga pangyayari sa araw-araw na buhay ng kanilang asawa. Time does erase memories and not being in each other’s presence (either physically or through the technologies mentioned above) for a very long time does take a toll on any relationship, no matter how strong it was to begin with. Para sa mag-asawang madalang magkita, o hindi na nagkikita ng napakahabang panahon, mayroon ding dinadatnan na panahon na nadarama ang maaring tawaging “separation fatigue”. Dito sa baiting na ito, hindi na o nahihirapan nang makamtan o maalaala ng mag-asawa ang buhay na nagsasama sila. Maaring malakas pa rin ang puso ng relasyon at mayroon pa ring empatiya sa isa’t isa, nguni’t ang di pagsasama ng matagalan at ang pagkakulang ng pagpapalagayang loob ay nakakapahina ng bigkis ng mag-asawa.

Bagama’t mahirap ang kalagayang ito, mayroon ring maaring magawa parang hindi matuluyang mabakli ang bigkis ng mag-asawang OFW. Unang una, kailangan alamin at tanggapin ang kahirapan ng situasyon na ito bago umalis ang OFW. Sa ganitong paraan, handa ang mag-asawa. Dahil handa sila, gagawin nila lahat ng kanilang magawa upang tangkilikin at ipagtaguyod ang kanilang pag-sasama.

The need to keep in touch, to share and continuously update each other on what is happening to the other becomes more important for couples who are separated for very long periods. The need to be creative in their communications, including “virtual” methods of expressing both emotional and physical longings should be explored. The couple can also come to an agreement as to when this state of separation can and should end. This is important because it is easier for people to endure trials when they know when it will end. Preparing for this will entail careful planning and common understanding of what goals the mag-asawa want to achieve by working abroad, including how to use judiciously the funds that the OFW sends. The mag-asawa can also establish a bench mark which will let them know that they have achieved what they set out to do. When they reach this mark, then the OFW should return to be together again as husband and wife, with both spouses proud of what they have achieved, and their relationship stronger for what it has endured.

A Last Word

Para sa mga OFW couples na nawawalay, ang pangako sa isa't isa ay kailangan alalahanin at alagaan, sapagka't ito ang batayan ng relasyon ng mag-asawa. At ang pagtitiwala sa pag-sasama ng mag-asawa ay ang magtataguyod at magbibigay lakas sa kanilang samahang pang-matagalan.

------------------

What do you think of this topic? Do you have any other ideas on how to maintain "long distance intimacy"? Simply click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
------------------

Friday, October 24, 2008

Tulungan ang Sarili Upang Malutas ang Pagsusubok na Hinaharap

------------------------------------------------------------------------------------------------
Challenges faced by the Caregiver

By Regina Diaz Goon
Psychologist,
OFWParaSaPamilya, PsychConsult Inc.

Ang mga OFW ay tinuturing “Bagong Bayani” ng kanilang kapwa Pilipino. Madalas pagusapan ang mga hinaharap ng OFW kapag nakaalis na ito sa Pilipinas. Pinaguusapan rin ang mga karanasan at pagsusubok na nararanasan ng isang OFW. Marami sa kanila ay sumasali sa pre-departure orientation ng mga organization katulaad ng OWWA. Nguni’t madalang pag-usapan ang pinagiiwanan ng OFW na mag alaga ng pamilya, yung tinuturing na “caregiver”. Dito sa article na ito pag-uusapan natin ang ilan sa mga pagsusubok na hinaharap ng isang asawang “caregiver”.

For every OFW that leaves the Philippines to work overseas, there is a family member who has to take responsibility for the family left behind. In most cases, it is the caregiver, who is left to cope with the challenges of everyday life, in the OFW’s absence. Just as the OFWs, no matter how widely scattered share common experiences, the caregivers left behind in the Philippines share common challenges. The most difficult of these challenges are: added roles and responsibilities and feelings of isolation and loneliness.

Unang una, nadaragdagan ang mga tungkulin ng mga kasapi ng pamilya. Pag nawala ang haligi (ama) ng tahanan ang ina ang sumasakop ng tungkulin na ito. Pag nawala ang ina ng tahanan, ang ama ang sumasakop ng tungkulin nito. Kasama nitong karagdagang tungkulin ay ang mga responsibilidad na sakop nito. These responsibilities include taking care of the family’s physical, educational, medical and other everyday needs. Needs like preparing meals, making sure children get to school, attending school functions etc. Kasali rin dito ang pag-aaruga, ang pagdidisiplina, ang pagpapayo, ang pakikinig at iba pa.

For many caregivers, adjustment to added responsibilities, takes time, however, the caregiver will eventually gain the confidence in his/her ability to manage. Some suggestions to ease the stress on the caregiver are:

• Continue to share family responsibilities with your OFW partner, by making use of technology like the internet and the cell phone to set up weekly chats were everything is discussed, decisions made, advice solicited.

• Pagusapan ang lahat ng kailangang gawin sa bahay at bigyan ang bawa’t isang miyembro ng tahanan ang kanilang kailangang gawin sa araw araw.

• You and your partner should identify a person or persons, (who have agreed to assist) that you can go to for any emergencies while he/she is away.

• Help children adjust to the absence of the OFW by creating a sense of stability and security by maintaining family routines and everyday schedules.

The second, more difficult challenge faced by the caregiver left behind is a sense of isolation, of being alone even if surrounded by extended family members. This is accompanied by feelings of loneliness. Itong pagkalumbay na nararanasan na ito ay sanhi ng pagkawala ng kinasanayang kabiyak sa buhay, yung pwedeng makausap, mahingian ng payo, at makaintindi ng takot o nerbiyos na nararamdaman. Sanhi rin ng pagkalumbay na ito ang pagkawala ng karamdamang pagkalapit sa isa’t isa, kasama na rito ang relasyon physical.

Ang pagkalumbay na mararamdaman ng caregiver na naiwan sa Pilipinas ay normal at pwede ring malutas ng panahon. Nguni’t kailangan ding alagaan ang sarili upang hindi mahulog sa labis na pagkalungkot. Here are some suggestions that may help you:

• Make arrangements to speak with your OFW on a regular basis. You can have scheduled family conversations where all members of the family can participate.

• You should also arrange to speak with your partner on a one-one basis, where other more personal issues can be discussed, kasama na rito ang pag-kakarinyo o pag bigay boses sa mga naiipon na hangarin.

• Ipatuloy ang mga family outing, katulad ng pag punta sa park o sa mall. Kumuha ng letrato nitong mga outing na ito. Ikwento ang lahat nang pangyayari sa OFW.

• Magpadala ng letrato ng mga ginagawa ng pamilya at sabihin din sa OFW na magpadala ng letrato ng mga “happening” na pinupuntahan niya, at mga magagandang tanawin na nakikita niya.

• Bigyan rin ng panahon ang sarili. Lumabas ng paminsan minsan na kasama ang mga kaibigan.

• Reach out to other husbands/wives of OFWs who are in the same position as you. This type of social networking will help you share not only experiences but also methods of coping. OWWA has support groups in different regions and areas of the Philippines. OWWA requires the husband/wife to go personally to their offices, where they can get the location of the nearest support group in their area.
_________

Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.

-------------------

Wednesday, September 10, 2008

Nakapag-iimpok ba kayo? (Got Savings?)

As spouses of OFWs, you endure the difficulties of being separated from your wives or husbands with the hope of improving your lives and securing your families’ futures. You hope that your families will be able to afford the basic needs, and that, for the children, “makatapos sila ng pag-aaral”. And finally you dream of building a house, a family home you can call your own.

Maganda at mabuti ang mga pangarap na ito, nguni’t—kagaya ng mga mahahalagang bagay sa buhay--mahirap na makamtan. Unang una, maraming pamilya ang nagkakautang parang makapunta ang inyong OFW sa ibang bansa. Ang responsibilidad ninyo naman habang asawa na naiiwan sa Pilipinas ay mabigat din sapagka’t kayo ang nagaalaga sa buong pamilya na parang isang “single parent” at, sa loob ng mga padala ng inyong OFW at ang inyong sariling sahod, kailangang kayong maghanap ng paraan upang bayaran ang mga utang, ang tuition ng mga bata, ang mga kailangan sa bahay at buhay, maghanda ng pagkain, magbayad ng renta, at iba pa. At kung hindi pa ito sapat, kailangan din ninyong isipin ang pag-iimpok parang matupad ang mga mithiin ng inyong pamilya.

Budgeting may help you and your OFW family to meet your financial obligations, and help you achieve the dreams that spurred you to take on this experience. Before mag-abroad ang inyong OFW, it may be a good idea to sit together as a family and talk about how you will use the monthly remittances and other family income.

As the asawa, it will be your responsibility to make the money s t r e t c h to meet all your family needs and obligations. Therefore:
1. Set priorities: Ano ang mga tunay na kailangan? Ano naman ang mga pwedeng pahintayin?
2. Make a monthly budget and stick to it.
3. Save something every month, no matter how small the amount.

Dahil sa tiyaga at sa pag-iimpok, maraming pamilyang OFW ay nakatutupad ng kanilang mga pangarap. Nguni’t marami rin na hindi makararating sa kanilang mga hantungan, at maraming walang maiimpok maski anong pera. Huwag sana ninyong sayangin ang inyong paghihirap at ang pagkakataon na nakatrabaho ang isa sa inyo sa ibang bansa.
__________
Listen to the advice of OFW Eddie Evangelista:
Ang maipapayo ko lang sa mga katulad kong nagtratrabaho sa ibang bansa ay sinupin nila ang kanilang kinikita dahil ang magandang pagkakataon na ito ay dapat pag samantalahan dahil sa may katapusan din ito. At kung minsan, may dumarating na hindi nating inaasahan, maaaring maaksidente o magkasakit. Marami pang bagay na darating sa ating buhay pagkatapos ng pagtrabaho sa ibang bansa at yan ay dapat nasa isip ng bawat isa.

Read Eddie's entire story by clicking here.
__________

Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______

Wednesday, June 11, 2008

---------------------------------------------------------------------------------------------

“Paalis na ang asawa ko upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito na ang pinakahihintay naming mangyari. Narito na rin yung pagkakataon ng aking pamilya. Bubuti na rin ang buhay namin. Makakaraos na rin kami sa paghihirap. Masayang masaya ako!

“Pero sandali lang….bakit ba ako nalulungkot? Natatakot? Nangangamba?

Kung ito ang naiisip ninyong mga asawa habang naghahantay kayong umalis ang inyong OFW, hindi kayo nag-iisa. Maraming mga asawang OFW na nakakaranas ng ganitong halo-halong ‘emotion’. Nguni’t marami sa kanila ay naglilihim o hindi pinapatulan ang mga damdamin na ito. Tinitiis o tinatago na lang ang mga pangangambang ito sapagka’t ayaw nilang magalaala ang kanilang minamahal.

Anong Say Mo?


  1. Ganito rin ba ang nararamdaman mo?
  2. Sa palagay mo, mayroon bang mabuting paraan (“a good way”) upang mapagusapan ninyong mag-asawa ang mga pangangamba mong ito?
  3. Kayo ba ay katulad ng maraming asawa na tinitiis o tinatago ang kanilang pangngangamba at problema? Paano ninyo kinakaya ang mga problemang dumarating habang wala siya? Mayroon bang nakakatulong sa inyo? Sino o ano ito?
  4. Kayo naman na mga nagpapa-alam (share) sa sainyong mga asawa tungkol sainyong pangangamba o problema, paano ninyo ito ginagawa?
  5. In your opinion, what is better, sharing what you feel and fear, or keeping it to yourself?





---------------------------------------------------------------------------------------------

 
Web Design by WebToGo Philippines