Friday, October 24, 2008

Tulungan ang Sarili Upang Malutas ang Pagsusubok na Hinaharap

------------------------------------------------------------------------------------------------
Challenges faced by the Caregiver

By Regina Diaz Goon
Psychologist,
OFWParaSaPamilya, PsychConsult Inc.

Ang mga OFW ay tinuturing “Bagong Bayani” ng kanilang kapwa Pilipino. Madalas pagusapan ang mga hinaharap ng OFW kapag nakaalis na ito sa Pilipinas. Pinaguusapan rin ang mga karanasan at pagsusubok na nararanasan ng isang OFW. Marami sa kanila ay sumasali sa pre-departure orientation ng mga organization katulaad ng OWWA. Nguni’t madalang pag-usapan ang pinagiiwanan ng OFW na mag alaga ng pamilya, yung tinuturing na “caregiver”. Dito sa article na ito pag-uusapan natin ang ilan sa mga pagsusubok na hinaharap ng isang asawang “caregiver”.

For every OFW that leaves the Philippines to work overseas, there is a family member who has to take responsibility for the family left behind. In most cases, it is the caregiver, who is left to cope with the challenges of everyday life, in the OFW’s absence. Just as the OFWs, no matter how widely scattered share common experiences, the caregivers left behind in the Philippines share common challenges. The most difficult of these challenges are: added roles and responsibilities and feelings of isolation and loneliness.

Unang una, nadaragdagan ang mga tungkulin ng mga kasapi ng pamilya. Pag nawala ang haligi (ama) ng tahanan ang ina ang sumasakop ng tungkulin na ito. Pag nawala ang ina ng tahanan, ang ama ang sumasakop ng tungkulin nito. Kasama nitong karagdagang tungkulin ay ang mga responsibilidad na sakop nito. These responsibilities include taking care of the family’s physical, educational, medical and other everyday needs. Needs like preparing meals, making sure children get to school, attending school functions etc. Kasali rin dito ang pag-aaruga, ang pagdidisiplina, ang pagpapayo, ang pakikinig at iba pa.

For many caregivers, adjustment to added responsibilities, takes time, however, the caregiver will eventually gain the confidence in his/her ability to manage. Some suggestions to ease the stress on the caregiver are:

• Continue to share family responsibilities with your OFW partner, by making use of technology like the internet and the cell phone to set up weekly chats were everything is discussed, decisions made, advice solicited.

• Pagusapan ang lahat ng kailangang gawin sa bahay at bigyan ang bawa’t isang miyembro ng tahanan ang kanilang kailangang gawin sa araw araw.

• You and your partner should identify a person or persons, (who have agreed to assist) that you can go to for any emergencies while he/she is away.

• Help children adjust to the absence of the OFW by creating a sense of stability and security by maintaining family routines and everyday schedules.

The second, more difficult challenge faced by the caregiver left behind is a sense of isolation, of being alone even if surrounded by extended family members. This is accompanied by feelings of loneliness. Itong pagkalumbay na nararanasan na ito ay sanhi ng pagkawala ng kinasanayang kabiyak sa buhay, yung pwedeng makausap, mahingian ng payo, at makaintindi ng takot o nerbiyos na nararamdaman. Sanhi rin ng pagkalumbay na ito ang pagkawala ng karamdamang pagkalapit sa isa’t isa, kasama na rito ang relasyon physical.

Ang pagkalumbay na mararamdaman ng caregiver na naiwan sa Pilipinas ay normal at pwede ring malutas ng panahon. Nguni’t kailangan ding alagaan ang sarili upang hindi mahulog sa labis na pagkalungkot. Here are some suggestions that may help you:

• Make arrangements to speak with your OFW on a regular basis. You can have scheduled family conversations where all members of the family can participate.

• You should also arrange to speak with your partner on a one-one basis, where other more personal issues can be discussed, kasama na rito ang pag-kakarinyo o pag bigay boses sa mga naiipon na hangarin.

• Ipatuloy ang mga family outing, katulad ng pag punta sa park o sa mall. Kumuha ng letrato nitong mga outing na ito. Ikwento ang lahat nang pangyayari sa OFW.

• Magpadala ng letrato ng mga ginagawa ng pamilya at sabihin din sa OFW na magpadala ng letrato ng mga “happening” na pinupuntahan niya, at mga magagandang tanawin na nakikita niya.

• Bigyan rin ng panahon ang sarili. Lumabas ng paminsan minsan na kasama ang mga kaibigan.

• Reach out to other husbands/wives of OFWs who are in the same position as you. This type of social networking will help you share not only experiences but also methods of coping. OWWA has support groups in different regions and areas of the Philippines. OWWA requires the husband/wife to go personally to their offices, where they can get the location of the nearest support group in their area.
_________

Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.

-------------------

6 comments:

a dependent spouse said...

Gusto ko lang malaman kung normal ba yung mga pangamba na nararamdaman kong baka mahulog ang asawa ko sa tukso habang wala siya sa piling ko? Ayaw ko namang ipaalam itong mga pangangamba ko sapagkat baka isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.

ofwparasapamilya said...

Dear Nagtatanong lang,
Itong pangamngamba mo na baka mahulog sa tukso ang asawa mo habang wala siya sa piling mo ay normal. Nguni't itong pangangambang ito ay kailangang pag-usapan ninyo bago siya umalis. Dahil sa kalagayan niya, malayo sa iyo at siyempre malungkot, pag may nakilalang parang mabait at maalalahanin at parang nakakaintindi ng kanyang kalagayan, at bukod pa dito ay nasa parehong kalagayan sa kanya, maaring magkaroon ng pagkapukaw-damdamin sa isa't isa. Kung pag-usapan ninyo itong mga posibilidad na ito, bukas ang isip niya at alam niya na kailangang bantayan niya ang sarili niya.
Isabi mo rin sa kanya na hindi ito question na wala kang tiwala sa kanya nguni't parang maunawaan lang niya na pwede itong mangyari.

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist

Unknown said...

Dear nagtatanong lang,
Masasabi ko lang sa yo,basta gawin mo lang ang mga payo at mensahe ni Psychology RDGoon,malalampasan mo ang mga nararamdaman mong pangamba sa iyong sarili.Basta magtiwala ka lang sa asawa mo,at palagian mo lang na mapaalalahanan siya na may kasamang pagmamahal sa iyong sarili sa pakikipagusap sa kanya.Ng sa ganon ay hindi siya matukso sa halip ay ikaw at ang iyong pamilya ang kanyang iisipin habang wala siya sa piling mo.

ofwparasapamilya said...

Dear Yola,

Salamat sa pagsoporta mo sa mga kapwa mong OFW.

a dependent spouse said...

ano ho and dapat gawin ng isang anak kung nalalaman niya na nangangaliwa na ang kanyang ama, sasabihan ba niya and kanyang ina na nagtratrabaho sa ibang bansa?

ofwparasapamilya said...

Dear Carmela,

Napakahirap ng situasyon na ito, sapagka't ikaw ay isang anak at hindi dapat maging problema mo ito. Sa karaniwang situasyon, ito ay dapat iiwan sa mag-asawa. Nguni't sa kalagayan na tulad na itong nasa ibang bansa ang ina, naiiba na ang anyo ng problema.

KUNG KAYA MO, harapin mo ang iyong ama at ipaalam mo sa kanya ang iyong hiwatig tungkol sa kanyang panlilinlang. Sabihan mo rin siya ng nararamdam mong lungkot at hirap sa hiwatig mong ito. Ipaalam mo rin sa kanya na kailangan niyang kausapin ang nanay mo at ipaliwanag ang situasyon.

KUNG HINDI mo kayang kausapin ang iyong ama, HUWAG MONG PILITIN ANG SARILI MO, humingi ka ng tulong sa isang kamaganak ninyong malapit sa kanya. Maari mo ring hingian ng tulong itong kamaganak na ito upang ipaalam sa iyong ina. Pagkatapos nito, iwanan mong sila na ang mag usap tungkol sa situasyon na ito.

Carmela, nauunawaan ko ang hirap na nadarama mo. Lakasan mo ang iyong loob at gusto ko ring ipaalam sa iyo ang aking taos pusong paghanga sa ginagawa mo.

Regina Diaz Goon
Psychologist

 
Web Design by WebToGo Philippines