-----------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Kahalagaan ng Pagkakalagayang Loob Kahit na Malayo
By Regina Diaz Goon
Psychologist
OFW ParaSaPamilya, PsychConsult Inc.
Ang pagkawalay sa asawa ay isa sa pinakamalaking problema na hinaharap ng isang OFW. May mga mag-asawang OFW na masasabi nating mapalad, sapagka’t nagkakasama sila at least once a year, nguni’t mas maraming mag-asawang OFW na hindi kasing mapalad. Katulad kay Essa, isa sa mga nagpadala ng tanong dito sa ating website, na nagbigay ng example ng isang OFW na anim na taon nang hindi nakakauwi. Sa mga nawawalay na mag-asawa ang pinakamahirap na ipagpatuloy ay ang karamdaman na bahagi pa rin sila ng buhay ng isa’t isa.
Intimacy ang tawag dito. May dalawang aspeto na nagbubuo ng intimacy. Ang una ay ang pakikibahagi ng damdamin sa isa’t isa, at ang ikalawa ay ang pagkakawing ng mga pangyayari sa araw araw, kasama rito ang mga actibidad, karanasan, pagpupunyagi, ang mga kagalingan atbp. Madalang na marami sa mga mag-asawang OFW ay nakakapag bukas ng kanilang damdamin sa kanilang kabiyak kapag nag-uusap sa telefono, sa internet, sa sulat, sa email at sa ano pa mang paraan. Nguni’t ang pagkawing ng mga pangyayari sa araw araw ay mas mahirap gawin, sapagka’t paano naman maaring makibahagi sa mga karaniwang gawaing araw araw habang malayo? Pagmagkasama, itong “maliliit” na pangyarari sa araw araw ay pinaguusapan na hindi na kailangang isipin pa, nguni’t kung malayo sa isa’t isa ito ay hindi inintindi at malimit pag-usapan sapagka’t nakalipas na ang sandali, hindi nadanas naman ng asawang malayo, at parang wala nang halaga o hindi na importante.
Maraming magagawa ang mag-asawang OFW upang manatiling parte ng araw-araw na pagkabuhay ng kanilang minamahal. Kasama rito ang pag-gamit sa teknolohiya katulad ng telefono, internet atbp. Mag Skype, sapagka’t dito, maaring magkuwentuhan, magkantahan, maglokohan, manlimbang atbp. na kahit ilang horas sapagka’t libre ito. At kung may videocam, lalong masmabuti kasi nakikita ng mag-asawa ang mukha at reaction ng kanyang asawa, na parang nandiyan na rin siya. Kasama din dito ang pag-lambingan via webcam. Gamitin ang imahinasyon at maging malikhain (creative)!
Isa pa ring pwedeng gawin ng mag-asawa ay gumawa ng weekly video/audio diary na maaring i-upload sa internet upang makita ng asawa. Sa ganitong paraan maaring makibahagi ang mag-asawa sa mga ginawa ng isa’t isa, sa araw-araw o linggo-linggo. Para sa ibang walang computer o internet access, maari ring magpadala ng mga pictures and tape recording na nag babahagi ng mga gawain at happening.
Thursday, October 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment