Sunday, January 25, 2009

Maintaining Intimacy in a Long Distance Relationship

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Kahalagaan ng Pagkakalagayang Loob Kahit na Malayo
By Regina Diaz Goon
Psychologist
OFW ParaSaPamilya, PsychConsult Inc.


Ang pagkawalay sa asawa ay isa sa pinakamalaking problema na hinaharap ng isang OFW.
May mga mag-asawang OFW na masasabi nating mapalad, sapagka’t nagkakasama sila at least once a year, nguni’t mas maraming mag-asawang OFW na hindi kasing mapalad. Katulad kay Essa, isa sa mga nagpadala ng tanong dito sa ating website, na nagbigay ng example ng isang OFW na anim na taon nang hindi nakakauwi. Sa mga nawawalay na mag-asawa ang pinakamahirap na ipagpatuloy ay ang karamdaman na bahagi pa rin sila ng buhay ng isa’t isa.

Intimacy

Intimacy ang tawag dito. May dalawang aspeto na nagbubuo ng intimacy. Ang una ay ang pakikibahagi ng damdamin sa isa’t isa, at ang ikalawa ay ang pagkakawing ng mga pangyayari sa araw araw, kasama rito ang mga actibidad, karanasan, pagpupunyagi, ang mga kagalingan atbp. Madalang na marami sa mga mag-asawang OFW ay nakakapag bukas ng kanilang damdamin sa kanilang kabiyak kapag nag-uusap sa telefono, sa internet, sa sulat, sa email at sa ano pa mang paraan. Nguni’t ang pagkawing ng mga pangyayari sa araw araw ay mas mahirap gawin, sapagka’t paano naman maaring makibahagi sa mga karaniwang gawaing araw araw habang malayo? Pagmagkasama, itong “maliliit” na pangyarari sa araw araw ay pinaguusapan na hindi na kailangang isipin pa, nguni’t kung malayo sa isa’t isa ito ay hindi inintindi at malimit pag-usapan sapagka’t nakalipas na ang sandali, hindi nadanas naman ng asawang malayo, at parang wala nang halaga o hindi na importante.

Maraming magagawa ang mag-asawang OFW upang manatiling parte ng araw-araw na pagkabuhay ng kanilang minamahal. Kasama rito ang pag-gamit sa teknolohiya katulad ng telefono, internet atbp. Mag Skype, sapagka’t dito, maaring magkuwentuhan, magkantahan, maglokohan, manlimbang atbp. na kahit ilang horas sapagka’t libre ito. At kung may videocam, lalong masmabuti kasi nakikita ng mag-asawa ang mukha at reaction ng kanyang asawa, na parang nandiyan na rin siya. Kasama din dito ang pag-lambingan via webcam. Gamitin ang imahinasyon at maging malikhain (creative)! Para sa mga mapagsapalaran (adventurous), siguraduhin lang na nakasarado at nakakandado ang pintuan parang huwag madistorbo o' magulat habang naglalambingan!

Isa pa ring pwedeng gawin ng mag-asawa ay gumawa ng weekly video/audio diary na maaring i-upload sa internet upang makita ng asawa. Sa ganitong paraan maaring makibahagi ang mag-asawa sa mga ginawa ng isa’t isa, sa araw-araw o linggo-linggo. Para sa ibang walang computer o internet access, maari ring magpadala ng mga pictures and tape recording na nag babahagi ng mga gawain at happening.

Necessary Detachment

An important challenge to maintaining intimacy, is the need for OFW couples, who live apart for long periods of time, to go through a Detachment Phase. This is where “psychological compartmentalization” takes place. Here, there is a conscious effort on the part of the couple to divide their lives into 2 compartments. The first is for their life when they’re together and the other for their individual lives when they’re apart. Bakit kailangang gawin ito? Kailangan ito upang malutas ang pagkalungkot at mapatuloy ang mga gawain at ang pamumuhay sa araw araw, habang hiwalay sila.


Reconnecting for OFW Couples who have “Home Leave” or Visiting Privileges

Para sa mag-asawang nagkikita taon taon, o may probisyong “Home Leave” sa contrata, itong dalawang kompartimentong ito ay binabalik-balikan ng mag-asawa kapag nararapat. Pag-uwi ng OFW, kailangan ng mag-asawang bumalik sa kompartimento ng buhay nila na magkasama sila. Nguni’t, mayroon ring mga kailangan gawin ang mag-asawa.

Isa dito ay ang pagbigay muli ng katayuan sa OFW sa nakasanayan nang pagtakbo ng buhay sa araw araw. Habang wala ang OFW, ang asawa ang naging haligi ng pamilya at may mga oraryo, mga gawain, mga paraang pang disiplina na kinasanayan na. Mayroon ring mga gawing napagbihasnan, na maaring hindi makikilala ng OFW. Isang halimbawa dito ay ang pagpunta ng mga anak sa asawa para sa lahat ng kanilang kailangan. Pag may mga teen-ager, maaring matutuklasan ng OFW na ang asawa na lang ang pinapakingan, at ang nakakadisiplina. Sa sitausyon na ito, kinakailangan ng OFW na matutong makibahagi muli sa kanyang asawa at pamilya. At kailangan rin ng asawa at mga anak na bigyan uli ng lugar at ibalik ang dating papel ng OFW sa kanilang buhay, maski na alam nila na ito ay pansamantala lamang.

Sa relasyon ng mag-asawa, bagama’t emotional o pisikal, mayroon ring maaring madaramang pagkakaiba. Kailangan ng kaunting pagkakama. If intimacy was maintained while the OFW was away, it will be easier for the couple to reconnect in all aspects of their relationship. Although there will be some “strangeness” in the beginning, this will soon give way to the familiar, and also to something new. Both partners can and should approach this period with the same excitement and anticipation as in courtship, knowing that, in their most private moments together, they will find again what made their asawa so special in their eyes, and this time with the added maturity, confidence and grace that only life experiences can bestow. It is also during this phase of reconnecting that the OFW couple can “build” on and add to both their physical and emotional memories. Experimenting, trying out new ways of being together, anything that will help them keep the relationship alive in their bodies and in their minds, even when they are not together. While doing this, they should not keep looking back to “the way we were” but building up and expanding the relationship to mirror the mutual experiences they are undergoing, i.e. to build and strengthen the relationship in the light of “the way we are now!” In this way, the separation becomes woven into the fabric of their relationship, and the building of new memories keeps on refreshing the relationship in order to help them weather whatever times are yet to come.

For Couples who are Separated for Very Long Periods

Para sa mga mag-asawang matagal nang nawalay, mas mahirap ipagpatuloy ang pagpapalagayang loob, maslalo na ang pagmamalay ng mga pangyayari sa araw-araw na buhay ng kanilang asawa. Time does erase memories and not being in each other’s presence (either physically or through the technologies mentioned above) for a very long time does take a toll on any relationship, no matter how strong it was to begin with. Para sa mag-asawang madalang magkita, o hindi na nagkikita ng napakahabang panahon, mayroon ding dinadatnan na panahon na nadarama ang maaring tawaging “separation fatigue”. Dito sa baiting na ito, hindi na o nahihirapan nang makamtan o maalaala ng mag-asawa ang buhay na nagsasama sila. Maaring malakas pa rin ang puso ng relasyon at mayroon pa ring empatiya sa isa’t isa, nguni’t ang di pagsasama ng matagalan at ang pagkakulang ng pagpapalagayang loob ay nakakapahina ng bigkis ng mag-asawa.

Bagama’t mahirap ang kalagayang ito, mayroon ring maaring magawa parang hindi matuluyang mabakli ang bigkis ng mag-asawang OFW. Unang una, kailangan alamin at tanggapin ang kahirapan ng situasyon na ito bago umalis ang OFW. Sa ganitong paraan, handa ang mag-asawa. Dahil handa sila, gagawin nila lahat ng kanilang magawa upang tangkilikin at ipagtaguyod ang kanilang pag-sasama.

The need to keep in touch, to share and continuously update each other on what is happening to the other becomes more important for couples who are separated for very long periods. The need to be creative in their communications, including “virtual” methods of expressing both emotional and physical longings should be explored. The couple can also come to an agreement as to when this state of separation can and should end. This is important because it is easier for people to endure trials when they know when it will end. Preparing for this will entail careful planning and common understanding of what goals the mag-asawa want to achieve by working abroad, including how to use judiciously the funds that the OFW sends. The mag-asawa can also establish a bench mark which will let them know that they have achieved what they set out to do. When they reach this mark, then the OFW should return to be together again as husband and wife, with both spouses proud of what they have achieved, and their relationship stronger for what it has endured.

A Last Word

Para sa mga OFW couples na nawawalay, ang pangako sa isa't isa ay kailangan alalahanin at alagaan, sapagka't ito ang batayan ng relasyon ng mag-asawa. At ang pagtitiwala sa pag-sasama ng mag-asawa ay ang magtataguyod at magbibigay lakas sa kanilang samahang pang-matagalan.

------------------

What do you think of this topic? Do you have any other ideas on how to maintain "long distance intimacy"? Simply click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
------------------

5 comments:

a dependent spouse said...

Gusto ko lang itanong kung totoo nga bang mas kailangan ng mga lalaki ang "sex"?

ofwparasapamilya said...

Ang pananaw sa Sex ay personal na bagay. Walang pag-aaral o pagsusuri na mas kailangan ng lalaki o babae. Base lamang ito sa personal na mga opinion. Mahalaga ang Sex sa isang relasyon. Maaaring mas hinahanap ng mga lalaki ang sex at mas ganado sila. Nanatili pa rin itong isang personal na desisyon ng bawat mag-asawa kung paano o gaano kadalas nilang gagawin.
Salamat sa iyong tanong, isang asawa.
Herman Sanchez M.D
Psychiatrist

ofwparasapamilya said...
This comment has been removed by the author.
a dependent spouse said...
This comment has been removed by the author.
a dependent spouse said...

Ang sex ay kailangan at mahalaga sa isang relasyon. Unang una may pakinabang pisikal. Ayon sa mga doctor ang sex ay nakakatulong sa kalusugan ng isang tao, halimbawa: nakakapababa ng presyon, nakakatulong lunasan ang stress, at nagbibigay ng ginhawa at saya. Ang sex rin ay ang pinakamahalagang espresyon ng “intimacy” sa isang relayson. Ayon sa mga pag-aaral, may mga brain chemicals, Oxytocin at vasopressin na napapakawalan sa ating utak ng pagtatalik. Itong mga “bonding chemicals” na ito ay nagbibigay ng karamdamang pagkakaisa. Dahil dito, ang “sex” ay kailangan at hinahanap hanap ng babae at ng lalaki.

Sa katotohanan, mayroon maraming pag-kakaiba ang lalake at babae, at ang pagtingin nila sa sex ay isa na rito. Ang hanap ng babae at lalaki na mag-asawa o may relasyon na seryoso ay pareho, koneksiyon at ang pagmamamahal. Nguni’t para sa mga babae, kailangan munang bigyan ng panahon, ika nga “step by step”. Kailangan ang pag-uusap, ang pagkakarinyo atbp at sa huli, “sex”. Para sa mga lalaki, ang sex ay ang nagbibigay anyo sa koneksiyon na ito. Maski na maypagkakaiba ang pagtingin nila sa sex, wala namang mga studies na nagsasabing mas kailangan ng mga lalaki ang sex.

 
Web Design by WebToGo Philippines